2017 World Pitmasters Cup Master Breeders 2 lalarga bukas

Bandera (Visayas) - - NEWS -

NAKATAKDANG umarangkada ang 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition2) 9-Stag International Derby bukas, Nobyembre 16, sa regular na tahanan niong Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila.

Ang 10-araw na sagupaan ng mga manok panabong na ito ay handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea katuwang nina Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa.

Ang 2-stag elimination ay gaganapin sa Nobyembre 16 para sa Group A, Nobyembre 17 para sa Group B at Nobyembe 18 para sa Group C.

Ang 3-stag semis naman ay magsisimula sa Nobyembre 19 para sa Group A at susundan ito ng mga laban para sa Group B sa Nobyembre at Group C sa Nobyembre 21.

Ang 4-stag finals para sa may 2.0-3.5 puntos ay sa Nobyembre 22 para sa Group A at sa Nobyembre 23 at 24 naman ang para sa Group B at C.

Ang 4-stag grand finals para sa mga entry na may 4.0 puntos pataas ay itinakda sa Nobyembre 25.

Ang 10-araw na pandaigdigang labanan na ito ay magkatuwang na itinataguyod ng Thunderbird Platinum at Resorts World Manila.

Nag-solo champion sa Master Breeders 1 si Eugene Perez na inilaban ang mga manok ni Paolo Malvar (Sunhaven Gamefarm).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.