P8.8M COCAINE INIRE NG LOLO

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - Liza Soriano, John Roson

sa kulungan ang isang Colombian na nahuling nagpuslit ng P8.8 milyong halaga ng cocaine sa Ninoy Aquino International Airport, kamakalawa ng hapon.

Dinakip si Alberto Pedroza Quijano, 67, sa Terminal 3 makaraan itong itimbre ng mga US authorities.

Hindi na nakapalag pa si Quijano nang dakpin ng mga operatiba ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency pagdating ng sinasakyang Emirates Airline flight EK332 mula Dubai.

Agad siyang dinala sa Pasay General Hospital kung saan isinailalim siya sa x-ray scanning. Lumabas sa resulta na mayroong rubber pellets sa tiyan ng susSHOOT pek.

Inabot ng isang araw bago nailabas ng suspek ang mga pellets.

Nagpositibo naman sa drug test ang laman ng mga pellets.

Ayon sa NAIA InterAgency Drug Interdiction Task Group, miyembro ng international drug syndicate angsuspek. —

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.