Magnolia, NLEX unahan sa 2-1 lead

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - —Angelito Oredo

Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 7 p.m. NLEX vs Magnolia NGAYONG pantay sa 1all ang serye ay tiyak na magiging maalab ang labanan sa pagitan ng Magnolia Hotshots at NLEX Road Warriors para makuha ang 2-1 bentahe sa best-of-seven semifinals series ng 2018 PBA Philippine Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Itinabla ng Hotshots ang serye matapos na itala ang dominanteng 9984 panalo sa Game Two noong Lunes.

Naging inspirasyon ng koponan ang ACL injury ng beteranong si Marc Pingris ng Hotshots si Paul Lee na inihulog ang 10 sa kanyang kabuuang 27 puntos upang pasimulan ang atake ng koponan bago inilatag ang kinatatakutang depensa sa second half ng laban.

Binalewala ng Magnolia ang hindi na paglalaro ni Pingris na kinumpirma na “out for the rest of the season” dahil sa tinamo na ACL tear sa paglalaro nito sa Hotshots’ noong Game 1 Sabado.

“His injury inspired us to play defense as best we could,” sabi ni Magnolia coach Chito Victolero patungkol kay Pingris, na agad na sasailalim sa surgery ngayong araw at inaasahang hindi makakabalik sa loob ng anim hanggang walong buwan.

“We just need to sustain our energy, aggressiveness and focus more on our strength, which is defense,” sabi pa ni Victolero sa tsansa sa Game 3 kung saan balak nitong muling mapigilan ang mga kamador ng NLEX na sina Kiefer Ravena at Kevin Alas.

Sina Ravena at Alas ay umiskor lamang ng pinagsamang 15 puntos sa Game Two.

“I just feel that even if we lost, I don’t feel that badly about it,” sabi ni NLEX coach Yeng Guiao. “I guess winning seven out of our last eight before this game takes a toll on you. It’s human nature that you’ll probably going to be relaxed a little bit. We’re not as sharp as we needed to be,” sabi nito.

Sabi ni Guiao, maaaring umabot sa Game Six o Game Seven ang serye.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.