Jeep nahulog sa creek; 2 patay

Bandera (Visayas) - - NEWS - —John Roson

DALAWA ang nasawi at dalawa ang nasugatan nang mahulog sa creek ang sinakyan nilang ownertype jeepney sa isang creek sa Lipa City, Batangas, kahapon ng hapon.

Dead on arrival sa ospital ang driver na si Vicente Mallanta Jr. at pasahero niyang si Peter de Ocampo, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Ginagamot pa sa ospital ang dalawang di pa kilalang sakay ng jeepney.

Naganap ang insidente alas-3, sa Brgy. Calamias.

Nawalan na lang umano ng kontrol sa manibela si Mallante kaya nahulog sa creek ang jeepney.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.