Jessy inatake ng matinding depresyon nang tawaging ‘Tabatsina’‘’, ‘Pata Queen’‘’

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - BY REGGEE BONOAN

NILINAW ni Tony Labrusca na wala siyang sama ng loob sa tatay niyang si Boom Labrusca (asawa ni Desiree del Valle )na nakilala lang niya rito sa Pilipinas noong sumali siya sa Pinoy Boyband Superstar noong 2016.

Sa launching ng 2018 Star Magic Circle new artists kung saan maswerteng napabilang si Tony, natanong ang mga bagets na ipinakilala na may mga magulang na taga-showbiz kung hindi ba sila mahihirapan na baka maging anino lang sila ng mga ito.

Ang sagot ni Tony, “For me, kasi iba ‘yung biological father ko po, hindi po siya sumikat dito sa Pinas, and it’s weird because I wasn’t raised with him (Boom).

“So, when I moved back to the Philippines at sumali ako sa Pinoy Boyband tapos biglang nandoon na si Boom, for me I just took it as a blessing as well kasi si Boom, he’s been in the industry for so long and there’s a lot of things I can learn from it.

"And instead of me na kinukumpara ko ang sarili ko sa kanya, I’ve never even thought of maybe ‘oh, I have to surpass my father,’ kasi this is my lane. All I have to do is to stay on my lane.

“God has the destiny for me, so I just had to make sure that I’m not hurting anybody around me and stay on my lane and there’s nothing wrong with him helping me out because he’s also there to support me kaya instead of thinking of competition or people compare me to my biological father, just be grateful and see what he has to say.

Dagdag pa niya, “Wala po (sama ng loob), actually may kapatid po ako with my biological father at sobrang mahal ko po siya at siya ‘yung naging bridge para sa aming dalawa and you know, growing up with my mother, hindi po siya nagkulang ng pagbibigay ng pagmamahal sa akin.

“So, I never really look for my biological father. So, seeing him now why would I feel the need to be angry,” pahayag ng binata.

Sa Canada lumaki at nagkaisip si Tony kaya hindi na rin niya hinanap si Boom, “My mother and my stepfather gave me enough love and care. “In Filipino culture, even if it’s not our biological parents, we treat them as our family and you know, family it doesn’t always mean blood, family is trust and love and that’s enough connection with somebody,” katwiran ng binata. Anyway, sa nasabing launching pa rin ng batch 2018 ng Star Magic ay may usapusapan na si Tony daw ang magiging leading man ni Liza Soberano sa "Darna" na nagsimula nang mag-shooting. “Wala pa pong confirmed at all. For me, anything can be changed. Until you sign that contract, you’ll never know. I can’t claim to be part of a movie if I haven’t signed anything,” say ng binata.

Inamin ni Jessy Mendiola na nakaranas din siya ng matinding depression dahil sa panlalait ng mga bashers sa kanyang katawan. May mga tumawag sa kanyang tabatsina, Pata Queen at iba pang panlalait.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang aktres ng kanyang “before and after” photos. Dito niya sinabi na nawalan siya ng self-confidence dahil sa body shaming at marami siyang proyektong hindi natanggap dahil dito.

“I’ve always thought of myself as really strong and fit, yes, even on the picture on the left. I worked out regularly (weights and all), ate what I felt was good for me, and you know what? It felt good. I was happy. When I won FHM’s sexiest woman in 2016, I thought…Finally, people appreciate my efforts and my body. But I was wrong,” bahagi ng caption ni Jessy sa kanyang IG photo.

Pagpapatuloy pa niya, “I was bullied, body shamed, with bashers calling me names like ‘pata,’ ‘taba,’ etc., while others said I didn’t deserve to win the title because I’m way bigger than the other girls who they thought should’ve won.

“I didn’t even want to be seen on TV anymore. I started turning down roles and it affected my work. Then I realized, why should I feel so bad about myself when I loved myself even before I was called ‘sexiest?’ I thought of myself as sexy, strong, and beautiful in my own way.”

JESSY MENDIOLA

TONY AT BOOM LABRUSCA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.