Maine nagbenta ng personal na gamit para sa pag-aaral ng mga mahihirap na kabataan

Cesar, DOT mamimigay ng award sa ‘Cine Turismo’

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - BY JUN NARDO

NGAYONG araw na ito ang confirmation ni Mayor Herbert Bautista bilang Brig. General. Isa ito sa posisyon sa military na kailangang kumpirmahin ng Commission of Appointments.

Kailan lang ay pinapurihan si Mayor HB ni PNP Chief Dir. Gen. Roland “Bato” dela Rosa dahil sa donasyon niyang patrol cars sa kapulisan ng Q.C.. Alaga ni Mayor ang pulis na naninilbihan sa siyudad kaya naman pinagbubuti nila ang araw-araw nilang serbisyo sa mga tao.

Samantala, turning Golden Boy na si Mayor Herbert ngayong Mayo 12. Saka na namin kukumpirmahin ang ilang detalye sa malaking selebrasyong magaganap para sa 50th birthday ni Bistek.

Umarangkada ang pagtulong ni Maine Mendoza sa mga batang gustong makapagtapos ng pa-aaral. Nilaunch niya kamakailan ang isang fundraising drive na ang layunin ay makatulong sa pag-aaral ng mga kapuspalad nating mga kabataan.

Sa pakikipagtulungan sa ADN Angeles, nagbebenta ng ilang gamit si Meng. Binalak niyang magsagawa ng garage sale nu’ng una pero dahil sa ibang commitments, minabuti niyang makipag-tie up sa Carousel.

Sa kanyang Twitter account, inilabas ng Phenomenal Star ang link sa Carousel para makita ang mga gamit niya na pwedeng bilhin ng kanyang mga fans and supporters.

Imagine, magkakaroon na kayo ng gamit ni Maine, makakatulong pa kayo sa fund drive niyang ito, huh!

Para sa mga hindi pa nakakaalam, marami pang charity works na ginagawa ang Dubsmash Queen. Hindi na lang niya ito ibinabandera pero napakarami na niyang natulungan, lalo na ang mga kapuspalad nating mga kababayan.

Pangungunahan ni Cesar Montano ang launching ng Cine Turismo: TBP Film Tourism Recognition na project ng Tourism Promotions Board (TPB), attached agency ng Department of Tourism, na pinamumunuan ng aktor bilang Chief Operating Officer.

“Film tourism is a steadily growing industry in the country.

“This project is created to acknowledge the many films and filmmakers that through their wonderful portrayals of the Philippines, have aroused interest and boosted tourism in local tourist spots,” pahayag ni Cesar patungkol sa nasabing

proyekto. Sa project na ito ng TPB, bibigyan nila ng recogmmakers nition ang filmakers na tumutulong sa promotions ng local tourism na naood panood sa nagawang pelikula Bibigyan ng parangal s a launching ang Filipino directors at ang movies nilang ipinalbas

asa taong 2016 at 2017. May criteria na siganizers nunod ang organizers para sa pagpili ng honourees. Bukod sa local films na gagawaran ng parangal, may special citation din para sa ilang South Korean films gaya ng "Mango Tree" kung saan ipinakita sa pelikula

ang ilang bahagi ng Cebu at ang "Island" na kinunan sa Boracay.

Siguradong maraming filmmakers at producers ang mai-inspire sa bagong project na ito ng Tourism Promotions Board. KALAT na sa social media ang pagkakaaksidente ni Christopher de Leon sa taping ng isang teleserye. Napuruhan daw sa hita ang veteran actor nang pumutok ang blank bullet.

Ang manager ng actor na si Lolit Solis ang nagbuking about it sa kanyang Instagram account. Inoperahan daw si Christopher nang makaramdam siya ng matinding sakit.

“So unfortunate na naaksidente si Christopher de Leon sa set ng Kambal Karibal. For the first time nangyari sa kanya na pumalpak ang ammu (props na baril) sa set.

"So far alam ko naman na aalagaan siya nila Camille at Joy ng Kambal Karibal dahil sa taping nangyari ang aksidente. Dinala siya sa Asian Hospital at mabuti hindi masyadong delikado ang nangyari. Pagaling ka Boyet, at ingat sa taping mahirap na.” ‘Yan ang chika ni Lolit.

“Why hasn’t GMA published an official statement about this? Hush-hush ba? Kundi pa nagsalita si Lolit hindi malalaman ng publiko.

"Dapat meron insurance clause each contract they sign if ‘per show’ na artista sila to ensure na kung meron mangyari eh hindi lang pa ospital ang sasagutin ng establishment, they should be liable for damages to the entire well-being of the actor/actress. This is terrible!” reacted one guy.

Oo nga. Bakit tila hindi ito naibalita sa mga news program ng GMA 7? Nakapagtatakang hindi nila ito ginawang newsworthy na item, eh, isang legend ang involved

CESAR MONTANO AT HERBERT BAUTISTA

MAINE MENDOZA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.