Halstead kinontra findings ng PAO

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - Ni Liza Soriano —dagdag na ulat ng Inquirer.net

KINONTRA ng international dengue expert na si Scott Halstead ang mga iniulat ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta ukol sa mga kaso ng mga batang namatay bunsod umano ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Halstead, "the Philippine Minister (Secretary) of Health acted in good faith." Aniya, lumabas lamang ang findings ng Sanofi Pasteur, ang may gawa ng Dengvaxia, noong Nob. 2017 at hindi masisi ang Department of Health dahil may epidemya ng dengue noon." Iginiit din ni Halstead na di makikita sa autopsy kung dengue ang sanhi ng pagkamatay at tanging DNA testing lamang ang makakadetermina nito.

Ayon naman sa guideline ng World Health Organization, di kailangan ng seronegative testing sa mga edad 9 hanggang 45. At sa datos naman ng DOH, natala na ang pinaka maraming tinatamaan ng Dengue ay nasa 9-14 age group.

Idinagdag ni Halstead na hindi umano nagdudulot ng sakit ang Dengvaxia at mali na iugnay ito sa neutropism at viscotropism.

Umapela rin siya sa publiko na maging mahinahon at sa mga eksperto sa dengue lamang makinig.

Mananatili ang mga dengue expert hanggang Marso 17 upang tulungan ang DOH at Philippine General Hospital expert panel. Pondo sa biktima Nais naman ni Sen. Richard Gordon na gamitin ang P1.1 bilyong refund ng drug manucturer na Sanofi Pasteur para pondohan ang pagpapagamot ng mga biktima ng Dengvaxia.

Sa pagdinig ng Senado, tiniyak ni Gordon sa mga magulang ng mga apektadong bata na ilalaan ang pondo para sa kanila.

“Pinapangako ko sa inyo, this afternoon, magreresolution na ako, mag-pa file ako ng bill na gamitin yang pera yan para sa mga magulang. At kailangan ko lang ng suporta sa lower house,” sabi ni Gordon.

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque na humingi na ang DOH ng otorisasyon mula sa Department of Budget and Management (DBM) para ilalaan ang hindi nagamit na pondo para sa mga biktima ng Dengvaxia.

“Kami po ay humihingi ng authorization, ng pahintulot, sa DBM at sa Kongreso para sa ganoon ay mailabas ang pondong ito at gamitin para sa pangangailangan po ng inyong mga anak,” sabi Duque.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.