Male celeb buking na angsa kabaklaan, pa-hunk ang image pero ‘—‘sirena’—’ pala

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - BY CRISTY FERMIN

TOTOO ang sinabi ng isang miron, hindi garantiya ang pormahan at dating ng isang male personality para masabing lalaking-lalaki siya, may mga bruskong malambot ang puso.

Pinagpipistahan ngayon ang isang male personality na sa biglang tingin ay parang nagbibilang ng babae, pero ang totoo ay pareho lang ang kanilang hanap, lalaki.

Magaling siyang pumorma, lalaking-lalaki ang kanyang tindig, sino ba ang magdududa na kasinglambot pala ng kutsintang bagong luto ang kanyang damdamin?

Kuwento ng isang source, “Hindi pa siya artista nu’n, pa-model-model pa lang siya, e, alam na alam na naming magkakaibigan ang hilatsa niya. Nagpapanggap lang siyang lalaki, pero ang totoo, e, lalaki rin mismo ang gusto niya!

“Pero ngayong artista na siya at meron na siyang regular show, e, hindi na niya maitatago ang totoong gender niya. Amoy na amoy na ‘yun ng mga kasamahan niya, buking na siya, wala na siyang maililihim pa,” kuwento ng isang source.

Sa dami ng magagandang babae sa paligid niya ay wala siyang nataypan kahit minsan, may mga karelasyon na ang mga kasamahan niya at balita pa ngang magiging ama na ang pinakabunso ng kanilang grupo, pero ang mhin na ito ay libre pa rin.

“Naku, gusto lang siguro niyang kulutin ang magagandang girls na kasama nila sa show, baka gusto lang niyang ipag-design ng magandang gown! Wala silang dating kay ____ (pangalan ng male personality), dahil ang type niya, e, ang mga guwapong kapatid ng mga girls kung meron man!

“Pagtataasan lang niya ng kilay ang mga sexy girls na ‘yun, sa totoo lang, wala silang kadating-dating, pakialam ba niya sa mga babaitang ‘yun? Alam na alam na ngayon ng mga kasamahan niya kung ano ang gusto niya. Hindi hamburger, hotdog ang makapagpapasaya sa kanya!

Hayup kung humataw ang sirenang ito, kumakalabog ang magkabilang paa niya sa entablado, pero kapag nasa dressing room na siya ay bumabalik na siya sa dating anyo.

Huling sultada ng aming source, “Aysus! Aysus naman kung hindi n’yo pa rin mahulaan kung sino siya. Ano ba, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, it’s showtime, hulaan n’yo na kung sino ang sirena palang ito!”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.