Ninuno nagpatotoo sa UFO (2)

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - NI Leifbilly Begas

HINDI lang sa panahon natin may sightings ng Unidentified Flying Objects (UFO). Mayroon tayong mga ninuno na nakakita o pinagpakitaan ng mga sasakyan ng alien.

Ayon sa isinulat ni Marcus Lowth sa ListVerse, maraming hindi maipaliwanag na aerial phenomena ang ating mga ninuno at mayroong rekord na nagpapatunay nito. Chariot

Isa sa mga nagsulat ng tungkol sa mga UFO ay ang tanyag na historian na si Josephus noong AD 70.

Ayon sa kanya, mayroong bagay na lumutang sa kalangitan ng Judea.

Naglabasan umano ang mga chariot at mga sundalo na naglakad papalabas sa ulap.

Marami umano ang nakakita rito kaya marami ang nagpapatotoo.

Nakita ito sa buong bansa at may nagpapatotoo sa bawat lugar—lahat nakakita ng mga sundalo na naglalakad papalabas sa ulap.

Malakas din ang ingay na nililikha nito kaya nakakatawag talaga ng pansin.

Nabanggit din ng Roman historian na si Tacitus ang pangyayaring ito. Sinabi niya na parang may gera sa langit dahil sa mga sundalo na nakasuot ng nagkikintabang armour. Pope

Ang kapatid na lalaki ni Pope Pius I ay nagsabi na nakakita siya ng UFO noong AD 150 sa Via Campana, Italy.

Bigla na lamang umanong dumating o sumulpot ang isang bagay na tinawag ng kapatid ng Santo Papa na "a beast."

Bumaba umano ang bagay na ito mula sa langit. Ang tuktok nito ay mayroong iba’t ibang kulay at naglalabas ito ng sinag.

Paglapag nito sa lupa ay nagulo ang mga alikabok kaya parang nagkaroon ng maduming ulap sa lupa.

Nang mahawi ang alikabok ay mayroong nilalang sa tabi ng bagay na lumapag.

Nakasuot umano ng puti ang nilalang na ito kaya may mga nagsasabi na baka siya ay isang anghel. Buhok

Ang angel hair ay parang chalk na makinang gaya ng silver na nahuhulog mula sa langit sa pagdaan ng UFO.

Maraming mga ganitong pangitain noong 20th century gayundin noong sinaunang panahon.

Sa Cales noong 214 BC ay umulan umano ng chalk. May ganito ring pangyayari sa Roma noong 98 BC.

May pangyayari rin na ganito noong AD 196 na isinulat ni Cassius Dio. Sinabi niya na parang umulan ng pulbos na pilak. Wala umanong ulap noon sa kalangitan at maliwanag ang sinag ng araw.

Sinabi ni Cassius Dio na hindi niya nakita nang bumagsak mula sa langit ang mala-chalk na silver pero nakita niya ito sa paligid.

Kumuha siya ng sampol ng bagay na ito pero makalipas ang apat na araw ay naglaho ito. Kalasag

Sinalakay ng Saxon ang France o Kingdom of Franks sa Europa sa lugar na tinatawag natin ngayong Dortmund.

Bigla na lamang umanong mayroong bagay na lumitaw sa kalawakan.

Inilarawan ito na katulad ng isang kalasag na mapula ang kulay. Nanatili itong nakalutang sa hangin.

Natakot umano ang mga lulusob na Saxon army kaya hindi na tumuloy.

Naitala ang pangyayaring ito sa "Annales Laurissenses maiores" kung saan mababasa ang ilan pang pangyayari mula AD 741 hanggang AD 829.

Hindi malinaw kung sino ang sumulat sa naturang libro. Posible umano na marami ang sumulat ng mga pangyayari at pinagsamasama lang ito sa isang libro. Magonia

Noong AD 816 ay isa pang aerial sighting ang naitala sa France at isinulat ito ni Agobard ng Lyon sa kanyang librong "De Grandine et Tonitruis."

Ayon sa kanya mayroong mga "aerial sailors" na nasa ulap kung nasaan din ang kanilang sasakyan.

Bumaba sa lupa ang tatlong lalaki at isang babae.

Marami ang natakot at meron ding nagnais na makakapit sa mga ito. Pinigilan ni Agobard ang mga nais na lumapit dahil tiyak umano ang kanilang magiging kamatayan.

Wala namang nakakaalam kung ano ang nangyari sa aerial sailors matapos ito.

Isa ang mga bagay na ito sa sinaliksik ng UFO researcher na si Jacques Vallee at isinulat sa kanyang librong "Passport to Magonia."

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.