1K pamilya nasunugan

Bandera (Visayas) - - NEWS -

AABOT sa 1,000 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog sa dalawang barangay sa Las Piñas kahapon ng umaga.

Nagpalala sa sunog ang malakas na hangin, kawalan ng sapat na suplay ng tubig at makikipot na eskinita sa Laong Compound, Brgy. Almanza Uno, na kumalat pa sa kalapit na Sampaguita Compound sa Brgy. Pilar Village.

Ani Senior Insp. Pena Borlad, ground commander ng Bureau of Fire Protection ng Las Piñas, nagsimula ang apoy alas-2:54 ng umaga sa bahay ni Marilyn Cura sa Phase 1 ng Laong Compound.

Umabot ang sunog sa ikalimang alarma alas-5 ng umaga matapos kumalat ang apoy sa iba pang bahay sa lugar.

Naapula ang sunog makaraanang dalawang oras.

Naabo ang 575 bahay at ari-arian na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Nagtamo ng bahagyang sunog ang isang lalaki sa braso nang tangkaing isalba ang kanyang mga ari-arian. Hinimatay naman ang isa pa nang makitang nasusunog ang kanyang bahay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.