PH kakalas sa ICC—Duterte

Bandera (Visayas) - - NEWS - Ni Bella Cariaso

NAIS ni Pangulong Duterte na kumalas ang Pilipinas bilang signatory sa International Criminal Court dahil sa ginagawang imbestigasyon laban sa kanya kaugnay sa mga extrajudicial killings (EJKs) sa bansa.

"There appears to be a concerted effort on the part of the UN special rapporteurs to paint me as a ruthless and hearthless violator of human rights who allegedly caused thousands of extra judicial killings," ani Duterte sa isang pahayag.

Idinagdag niya na walang hurisdiksyon sa kanya ang ICC.

"The International Criminal Court prematurely made a public pronouncement of a preliminary examination which effectively created the impression that I am to be charged in the Internationmal Criminal Court for serious crimes falling under its jurisdiction," dagdag niya.

Inilarawan pa ng Pangulo bilang ignorante ang mga nagsusulong na siya ay imbestigahan ng ICC.

"The Rome Statute to which the Philippines is a signatory and the law that I am supposed to be charged under is not effective and enforceable in the Philippines," giit niya.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inatasan na si Executive Secretary Salvador Medialdea na iparating sa ICC ang desisyon ni Duterte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.