Konsehal ‘hinubaran’

Bandera (Visayas) - - NEWS - Roson —John

AABOT sa P150,000 halaga ng pera at kagamitan ang natangay nang looban ng mga di pa kilalang salarin ang tanggapan ng mga konsehal sa Lambunao, Iloilo.

Nadiskubre ang panloloob sa tanggapan, na nasa Brgy. Poblacion Ilaya, alas-7 ng umaga kahapon, ayon sa ulat ng Western Visayas regional police.

Natangay ng mga salarin ang tatlong laptop na nagkakahalaga ng P30,000 kada isa, ang P50,000 revolving fund ng Sangguniang Bayan, at ang P10,000 contribution fund na nasa drawer ng SB secretary na si Rocil Latañafrancia, ayon sa ulat.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na napasok ng mga salarin ang tanggapan sa pamamagitan ng pagsira sa back door gamit ang isang itak.

Nagsasagawa pa ng karagdagang imbestigasyon sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.