Aso nilasing, estudyante inasunto

Bandera (Visayas) - - NEWS -

NEW ORK, USA— Dalawang estudyante ng isang state college sa New York ang kinasuhan ng animal abuse matapos nilang hawakan nang pabaligtad ang isang aso at itapat ang bunganga nito sa gripo ng bariles ng beer.

Ayon sa mga pulis, hinawakan ng isang magaaral ng College at Brockport ang itim na Labrador sa tapat ng bariles habang pinapainom ito ng beer sa isang party.

Kinunan naman ng litrato ng isa pang estudyante ang ginagawa ng kamag-aral at ipinost ito sa Twitter account na nagtatampok sa mga party ng mga estudyante mula sa mga state colleges sa New York.

Kapwa kinasuhan ang dalawang lalaki, na kapwa 20, ng torturing at injuring an animal.

Inatasan silang dumalo sa pagdinig ng korte sa bayan.

Dinala ang aso sa isang lokal dog warden.—AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.