SUPER HOROSCOPE

Sex lang kaya ang habol (2)?

Bandera (Visayas) - - NEWS -

Sulat mula kay Edralyn ng Banaba, San Mateo, Rizal Problema:

1. May boyfriend ako sa ngayon at inaaya na niya akong mag-sex kasi daw mahal na mahal niya ako at malapit na raw siyang mag-abroad. Seaman kasi siya. May pangako rin siyang pagbalik daw niya galing sa barko ay magpapakasal na raw kami. Sir dapat na ba akong magtiwala sa kanya, na pakakasalan niya ako sa oras na makabalik siya galing abroad?

2. Ang sabi kasi niya sa akin ay malapit na raw siyang umalis, sa darating na April, kaya bago raw siya umalis ay mag-sex na kami. Tapat kaya siya sa akin at tutuparin kaya niya ang kanyang pangako na pakakasalan ako kung sakaling pagbigyan ko ang hinihiling nya? October 7, 1995 ang birthday ko. Umaasa, Edralyn San Mateo, Rizal Solusyon/Analysis: Astrology:

Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2) ang nagsasabing kung ang boyfriend mo ay isang Aquarius o kaya’y Leo tiyak ang magaganap kayo na nga ang magkakatuluyan. Numerology:

Ang birth date mong 7 ay nagsasabing may biglaang suwerteng darating sa iyong buhay sa taong ito ng 2018 sa buwan ng Abril hanggang Mayo na may kaugnayan sa salapi at pagibig. Dagdag dito kung ang boyfriend mo naman ay isinilang sa petsang 4, 13, 22 o kaya’y 31, tiyak na ang magaganap, kayo na nga ang magkakatuluyan at sa sandaling nakapag-abroad siya tutuparin niya ang kanyang pangako, padadalan ka niya ng pera upang makaipon at sa kanyang pagbabalik magpapakasal na nga kayo at habang buhay na magiging maligaya. Luscher Color Test:

Lagi kang gumamit ng kulay na pula at berde upang lalo pang gumanda at laging pumabor sa iyo ang kapalaran na may kaugnayan sa materyal na bagay at sa pag-ibig. Huling payo at paalala:

Edralyn dapat lang na maniwala ka sa mga sinasabi at ipinapangako ng boyfriend mo, ngunit hindi mo naman dapat ibigay sa kanya ng bastabasta na lang ang iyong pagkababae. Sa halip siguraduhin mo munang kasal na kayo bago ka bumigay. Ganoon pa man, ano’t anuman ang mangyari, ayon sa iyong kapalaran siya na ang nakatakda mong mapangasawa at makasama habang buhay sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2022 sa buwan ng Mayo o kaya’y Setyembre sa edad mong 27 pataas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.