ASICS Relay 2018 aarangkada sa Pinas

Bandera (Visayas) - - NEWS -

ISASAGAWA ng ASICS, isa sa mga leading sports performance brand, ang kauna-unahang ASICS Relay Philippines sa Mayo 26 sa SM By The Bay sa Pasay City.

Nagsimula noong nakaraang taon, ang ASICS Relay ay napisil ang Pilipinas bilang ikalimang bansa na paggaganapan ng nasabing relay series na isinagawa rin sa Indonesia, Malaysia, Thailand at Singapore.

Ang Manila ang magsisilbing kick-off leg ng nasabing relay series ngayong taon kung saan inaasahan nito ang pagsali ng 3,000 runners mula sa 750 koponan.

Ang ASICS Relay Philippines 2018 ay ang unang ‘night relay race’ sa bansa kung saan katatampukan ito ng dalawang race distance — 42-kilometer full marathon at 21-km half marathon. Ang bawat koponan, na bubuuin ng apat na runner, ay maaari namang sumabak sa tatlong relay category — male, female at mixed team.

Ang bawat team member na sasabak sa relay race ay kinakailangang kumumpleto ng dalawang leg na 5.25 kilometro para sa full marathon at isang leg na 5.25 kilometro para sa half marathon.

Ang mga kalahok ay tatanggap ng finisher’s medal, personalized race bib at ASICS branded race tee. — Melvin Sarangay

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.