Maymay, Edward nagiyakan nang mabasa ang sulat ng mga kapatid

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

Iyak nang iyak ang magka-loveteam na sina Maymay Entrata at Edward Barber nang matanggap at mabasa ang sulat mula sa kanila-kanilang kapatid.

Naging emosyonal ang dalawang Kapamilya stars nang mag-guest sila kamakailan sa Magandang Buhay para sa pagdiriwang ng kanilang first anniversary sa showbiz. Matapos basahin ang letter ng kanyang kapatid, nagbigay ng mensahe si Maymay, "Kuya, alam mo naman na mahal kita. Since bata pa lang, kasama na kita sa hirap at sa lahat ng pagsubok. Nandoon pa si Papa Joe, hanggang sa nawala siya. Ang suwerte ko na kuya kita, kasi lahat gagawin mo para sa akin. "Mahal na mahal kita at saka ngayon na nandito na ako hindi mawawala ang promise ko sa iyo na papaaralin kita," sey pa ni Maymay. Mas lalo pang naluha ang dalaga nang makita ang regalo ng kanyang kuya, ito’y litrato ng yumao nilang lolo na talaga namang mahal na mahal ni Maymay. Hindi rin napigilan ni Edward ang mapaiyak nang mabasa naman ang sulat ng kanyang sister na si Laura. Ito naman ang naging message niya sa kapatid matapos basahin ang slat nito, "I love you so much and I will see you very, very soon."

EDWARD BARBER AT MAYMAY ENTRATA

BY ERVIN SANTIAGO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.