Di sinagot, lolo nag-amok

Bandera (Visayas) - - NEWS - — Leifbilly Begas

KULONG ang 64anyos na lalaki na nanghalihaw ng itak at nagbanta na papatayin ang mga kapitbahay na hindi sumagot nang tanungin niya kung marunong magsalita ng Ilokano sa Quezon City, kamakalawa.

Nakadetine si Conrado Barad, ng Lakatan st., Brgy. Batasan Hills, sa Batasan Police station kung saan siya ipinagharap ng reklamo ni Mario Maure Jr., 19. Ayon sa biktima, bumili siya sa tindahan at pauwi na alas-5:30 ng hapon nang lapitan siya ng suspek. Nagtanong umano ito kung marunong magsalita ng Ilokano ang biktima. Nang hindi sumagot ang biktima ay nagalit ang suspek na umuwi at armado na ng itak nang bumalik.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.