2 buntis huli sa shabu

Bandera (Visayas) - - NEWS - —Leibilly Begas

DINAKIP ang dalawang buntis at dalawang lalaki sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Michael Nakpil, 39, Reynaldo Codilla, 49, Cindy, 28, at Maricris, 37. Narekober sa kanila ang pitong sachet ng shabu. Nagsagawa ng buybust operation ang pulisya laban kay Nakpil at nakabili ng P300 halaga ng shabu ang poseur buyer alas11:30 ng gabi sa Rosal Extn., Brgy. Payatas. Nahuli naman ng mga otoridad ang tatlo pang suspek sa bahay ni Nakpil na naaktuhan umanong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.