41 libo pasahero nakalibre sa MRT

Bandera (Visayas) - - NEWS - —Leifbilly Begas

UMABOT sa 41,115 pasahero ang nakalibre ng sakay sa Metro Rail Transit 3 noong Independence Day.

Ayon sa Department of Transportation-MRT, pumalo sa 21,145 pasahero ang nakalibre ng sakay mula alas-7 hanggang 9 ng umaga.

Mula alas-5 ng hapon hanggang 7 ng gabi ay 27,970 pasahero naman ang nakalibre.

Umabot sa 139,236 pasahero ang sumakay ng MRT noong Martes at nakabuo ang mga tren ng 120 ikot.

Dahil holiday, 12 tren ng MRT lamang ang bumiyahe. Kapag regular na araw ay 15 pataas ang bilang ng mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.