PH magiging 'wild, wild west' kung brgy chair aarmasan

Bandera (Visayas) - - NEWS - —Leifbilly Begas

LALO lamang gugulo sa bansa kung aarmasan ang mga kapitan ng may 40,000 barangay.

Ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice, mistulang pagtatayo ng private armies ang pag-aarmas sa mga kapitan na kontrolado ng mga political kingpin sa mga siyudad, munisipalidad, at probinsya.

“It’s a wild, wild west scenario,” ani Erice.

Naniniwala naman si Magdalo Rep. Gary Alejano na lilikha ng bagong problema ang sinabi ni Pangulong Duterte na pabor siya na armasan ang mga kapitan.

“We should instead focus on equipping our police force with right equipment and training. Kulang na kulang pa rin ang ating mga kapulisan hanggang ngayon. Kahit nga may training ang atingmgapulis nagkakaproblema pa lalo na kung yung wala o limitado ang karanasan at pagsasanay ng mga opisyales ng barangay,” aniya.

Sinabi naman ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na mataas ang posibilidad na maabuso ang panukala at lalo lamang umanong lalaganap ang karahasan sa bansa kung itutuloy ito.

“Instead of being peaceful mediators, conciliators or arbitrators, you will turn them into armed enforcers or worst armed goons of politicians," dagdag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.