Bata lasog sa granada

Bandera (Visayas) - - NEWS - John Roson —

PATAY ang 7-anyos na batang lalaki sa Bulalacao, Oriental Mindoro, nang sumabog ang pinaglaruang granada, kamakalawa.

Itinakbo pa si Glenrey Osorio sa Bulalacao Community Hospital, ngunit di umabot nang buhay, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng Mimaropa regional police.

Naganap ang pagsabog alas-12 ng tanghali, sa Sitio Breeding, Brgy. Nasucob.

Sinabi sa pulisya ng ama ng bata na bago iyon ay nakita niya ang anak na umuwi na may dalang isang bagay na gawa sa bakal, na nakuha nito sa isang bakanteng lote.

Sa pag-aakalang laruan ang naturang bagay ay minartilyo umano ito ng bata, hanggang sa ito ay sumabog, ani Tolentino.

Huli na nang malaman na ang pinaglaruan ng bata'y bala ng M203 grenade launcher.

Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ang nagkapira-pirasong bahagi ng granada.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.