Binatilyo utas sa taga

Bandera (Visayas) - - NEWS - —John Roson

NASAWI ang 15-anyos na binatilyo habang sugatan ang 13-anyos niyang kapatid na babae, nang pagtatagin ng di pa kilalang lalaking pumasok sa kanilang tahanan sa Bayombong, Nueva Vizcaya, nitong Martes.

Itinakbo sa ospital si Mark Denver Padilla at kapatid niyang si Trixia May, ngunit di na umabot nang buhay ang una.

Naganap ang insidente alas-2 ng madalingaraw, sa bahay ng pamilya sa Inaldo st., Purok 6, Bonfal proper.

Natutulog ang magkapatid nang magising si Trixia May matapos mapansing may ibang lalaki sa loob, at may isinubo ito sa kanyang bibig.

Dahil dito ay ginising ng dalagita ang kuya, ngunit bigla naman silang pinagtataga ng lalaki.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng salarin, na agad tumakas matapos ang insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.