P164M pot di tinamaan

Bandera (Visayas) - - NEWS -

WALANG nanalo sa P164.1 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola noong Martes.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumama sa winning number combination na 48-18-57-09-2853.

Tatlong mananaya naman ang nanalo ng 280,000 matapos makuha ang limang lumabas na numero.

Tig-P2,380 naman ang tinamaan ng 395 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 10,954 mananaya na nakatatlo.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.—Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.