Lasing natulog sa bangko

Bandera (Visayas) - - NEWS - —AP

WASHINGTON, USA— Swak sa kulungan ang isang lalaki na dahil sa kalasingan ay pumasok sa loob ng bangko at natulog.

Naispatan sa surveillance video ang lalaki, 21, na pumasok sa basement ng isang bangko sa bayan ng Ellensburg alas-3 ng umaga.

Kitang-kita sa video kung paano pasuraysuray na naglalakad ang lalaki bago ito tumumba sa gilid at nakatulog. Umalis din ito bago magalas-8 ng umaga.

Nakilala naman ang lalaki at dinakip ng mga pulis. Nahaharap ito sa mga kasong second-degree burglary at malicious mischief.

Inamin ng suspek na hindi niya alam kung paano siya nakapasok sa bangko dahil wala na umano siya sa sarili dahil sa matinding kalasingan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.