Bandera ninakaw ng ‘manok’

Bandera (Visayas) - - NEWS - —AP

MANCHESTER, Connecticut— Iniimbestigahan na ng mga pulis ang pagnanakaw sa bandera ng Amerika ng isang naka-costume ng manok.

Sa ulat, sinabi ng Hartford Courant na iwinawagayway ni Eric Didio ang bandila habang nagsasayaw sa labas ng Boston Market restaurant bilang bahagi ng kanyang trabaho ng isang lalake ang tumalon mula sa isang kotse at inagaw ang watawat at tumalilis.

Isang customer na nakakita sa insidente ang tumawag ng pulis.

Sa ulat ng pahayagan, sinabi nito na nahirapang ireport ng dispatcher ang tawag sa mga pulis habang natatawa sa pagbanggit ng "chicken suit."

Sinabi naman ni Nathan Atwood, ang genera manager ng restaurant na nasa tabi siya ng 23-taong-gulang na si Didio sa kabuuan ng kanyang trabaho para bigyan siya ng proteksiyon.

Wala namang inaresto sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.