Expired na pagkain, pwede pa?

Bandera (Visayas) - - NEWS - —AP

PENNSYLVANIA, USA —Isang unyon ng mga empleyado na nagtatrabaho sa isang cafeteria ng isang paaralan sa western Pennsylvania ang binigyan ng karapatan na kainin ang mga expired na pagkain nang libre.

Sa ulat, sinabi ng Herald of Sharon sa Pennsylvania na naghain ng reklamo ang American Federation of State, County at Municipal Employees laban sa Sharpsville Area School District noong isang taon matapos hindi tuparin ang dati nang nakagawian na pinapayagang kainin ng mga empleyado ang mga pagkain expired na ng walang bayad.

Nakakuha ang diyaryo ng kopya ng kasunduan na inaprubahan ng school board noong isang buwan.

Sa ilalim ng kasunduan, lahat ng mga pagkain lagpas na sa expiration date at ang mga pagkain na hindi na maaaring ihain sa mga estudyante ay maaari pa ring kainin ng mga manggagawa ng cafeteria ng libre.

Magbabayad naman ang mga empleyado sa mga pagkain na di pa expired na kanilang kakainin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.