Donut itinakbo ng kawatan

Bandera (Visayas) - - NEWS - —AP

MASSACHUSETTS, USA— Sa halip na pera, doughnut ang tinangay ng mga holdaper sa Cape Cod, Hyannis.

Naaresto ang tatlong lalaki—ang 19-anyos na si Nicholas Mercurio, ang 21-anyos na si Lukas Peterson at ang 20 taong gulang na si Charles Iliffe, na sinampahan ng kasong armed robbery matapos silang ituro na siyang humoldap sa sangay ng Dunkin' Donuts.

Ayon sa pulisya, hiningi ng mga suspek ang isang paper bag matapos na tutukan ng patalim ang mga empleyado ng tindahan.

Hindi na umano tiningnan ng mga suspek ang laman ng bag sa pagaakala na ang kinita ng tindahan ang naroon.

Nakuhanan ng video ang pangyayari kaya sila nahuli sa isinagawang follow-up operation.

Samantala inakala ng dalawang holdaper ay tiba-tiba sila dahil sa mabigat ang bag na kinuha nila mula sa may-ari ng isang pizza parlor sa New York.

Ang hindi nila alam dough ng pizza ang laman ng bag na dala ng may-ari ng Brothers Pizzeria sa Staten Island.

Nagsuot pa ng maskara ang mga suspek upang hindi sila makilala at nang makatiyempo ay tinutukan nila ito ng baril.

Sa takot ay hindi na nakapalag ang biktima at hindi umangal nang kunin ng suspek ang kanyang bag.

Akala ng mga suspek ay nakalagay sa bag ang kinita ng pizzeria at hindi sila nagtaka kahit na may kabigatan ang bag.

Pero nang buksan nila ang bag ay wala silang nakuhang pera dito kundi dough. Nahuli na ang isa sa mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.