PELIKULA NG REALITY SHOW WINNER KATSIPAN DAW; SAYANG ANG CAREER

Mag-inang Ria at Sylvia nagsosyo sa negosyo

Bandera (Visayas) - - NEWS - BY REGGEE BONOAN

ILANG TV executives ang nakatsikahan namin tungkol sa isang aktres na produkto ng reality show – nanghihinayang daw sila sa nangyayari sa career nito dahil wala pa ring napupuntahan.

Sabi ng aming source, “Si _____ (aktres), sayang, big winner pa naman. Anong nangyari sa career niya? ‘Yung launching movie sana niya, waley na. May bagong movie ulit, pero parang waley din. Ano bang concept ‘yun? Kacheapan!”

Hirit namin, “E, kasi po mas inuna niya ang pag-aaral kaysa sa career at hindi naman siya nagsisi.”

“Wala namang kaso kung inuna ang pag-aaral. Mas maganda naman talaga ‘yun dahil may fall back siya. E, sana nga may mangyari sa career niya ngayon.

“Hindi naman siya kagalingan at kagandahan para mabigyan ng second chance sa showbiz, alam mo naman dito sa industriya natin. Kaya nga ‘yung iba kapag may offer, grab agad, dedma muna sa pag-aaral,” katwiran ng TV executive.

Bigla kaming nakaramdam ng awa sa aktres, mabait pa naman siya. ‘Yun lang ang masasabi namin, mabait talaga siya bossing Ervin.

Pero sana nga ay umalagwa na this time ang kanyang career dahil masipag naman ang dalaga at marunong makisama sa kanyang kapwa.

First time nagsosyo sa isang negosyo ang maginang Sylvia Sanchez at Ria Atayde na binuksan na noong Linggo, Hunyo 10 sa Lifescale Building J.C. Aquino Avenue, Butuan City – ito ang Skin & Beyond by Beautederm.

Kapwa mga Butuanon ang kasosyo ng mag-ina na sina Agnes Cecilia Carballo, Feli Gravador, Primy Anne Magno at Dia Nicole Magno.

Sabi ni Rei Ramos Anicoche Tan, Chief Executive Officer at Presidente ng Beautederm ay pang-20 store na nila ang Skin & Beyond by Beautederm sa Butuan City.

Hindi raw ito franchise sabi ni Ms. Rei, “Ayaw kong magpa-franchise kasi gusto ko maintained pa rin ang store, ang mangyayari, ako lang ang supplier ng lahat ng products, pero sila na ang owner at distributor dito sa buong Caraga Region.”

At bago raw matapos ang 2018 ay aabot na sa 30 stores ang nabuksan nila sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Bilang endorser ay naisip ni Sylvia na magtayo ng sariling Beautederm clinic sa bayan niya sa Mindanao bilang sole distributor ng Caraga Region dahil ‘yung mga gumagamit nito ay kinakailangan pang magpa-deliver mula sa Manila. “At least ngayon, puwede na nilang puntahan anytime," say ni Ibyang.

Isinama ng aktres ang anak na si Ria para naman may pinupuntahan ang kinikita nito simula nang mag-artista siya, “Hindi naman kikita ng malaki sa bangko ang pera mo kaya invest mo na lang sa negosyo,” katwiran ni Ibyang.

May promong "buy onetake one" ang kanilang mga produkto kabilang na ang mga cologne ni Arjo Atayde (isa rin sa mga endorser). Nu’ng opening day ay nag-soldout agad ito na hindi ini-expect ng mga may-ari.

Dagdag pampakilig din sa mga bumili ang pictorial kasama ang iba pang celebrity ambassadors ng Beautederm tulad nina Arjo, Ria, Sylvia, Carlo Aquino, Matt Evans, Maricel Morales, Shyr Valdez, Alma Concepcion, Jaycee Parker, Rochelle Barrameda, Smokey Manaloto at Darla Sauler.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.