Heart Enemies

Bandera (Visayas) - - NEWS - Ni Gilda Olvidado

May tiniyak si Trainor sa tunay na Laila. “Malalaman ito nina Dave at Nico.”

“Trainor, kapag naramdaman iyan nina Charlene, papatayin nila ang anak ko. Pati si Nico, mapapahamak din.

Dahil kasama siya sa bahay ng tunay na Charlene.”

“Pero hindi puwedeng ganito ka na lang.”

“Kapag lumaban tayo, kailangang pag-isipang mabuti. Sa ngayon, sadly, wala pa akong makitang solusyon na ligtas si Branico.”

“Ganoon sila kamakapangyarihan?”

“Unfortunately, yes. Dahil napakalaki ng pakinabang ni Paolo sa pagkakiller machine ni Charlene.

Ang alam ko, laging may pinapapatay na mga importanteng tao si Paolo kay Charlene.”

“Wala pa tayong nababalitaang pinatay na ...”

“Ang alam ko rin ho, to save face, ang kamatayan ng mga importanteng taong iyon ay hindi inaamin. Kundi tinatago. Pinapalabas na natural death lang.”

“My God! What is happening to our country? Paolo and Charlene’s country na ba ito?”

“Marami silang pera, advance ang alam nila sa teknolohiya, they dictate the government almost ...” Napaisip si Trainor. “Okay, Laila. Hindi tayo magpadalus-dalos. I guess it is already to our advantage na alam na natin kung sino ka talaga. But I just want Dave and Nico to know dahil best allies mo sila. They can really help you, too.”

“Paano malalaman noong dalawa na hindi matitiktikan nina Charlene and Paolo?”

“We shall think of something. Iwasan siguro natin ang technology in transmitting informations kina Dave and Nico dahil madali iyung masagap nina Charlene at Paolo.” “Exactly, Trainor.” “Tulad ngayon, hindi kaya nila tayo napapanood sa kanilang satellite?”

Napasinghap si Charlene. “Oh, my God! We’re not thinking! Siyempre madali ho nila tayong mamo-monitor.” “Unless busy sila.” “What do you mean, Trainor?”

“Heto, kararating lang ng news. Na ang vice—president ay muntik nang ma-assasinate na ang sandatang ginamit sa pagtatangka ay sumarai na lumilipad sa ere.” “Si Charlene!” “I’m sure of that!” “Bakit kaya hindi naitago ang attempt na ito from the media?”

“Dahil ang vice-president ay very honest sa kanyang puwesto. Ayaw niyang may tinatago sa mga tao.

I think she insisted on telling the truth. Kaya natin nalalaman ngayon na sa unang pagkakataon ay nag-fail sa kanyang misyon ang killer machine na si Charlene. Right at this time, natataranta sila. Kaya hindi nila tayo namo-monitor.” Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.