Donny tinuruan ng tatay kung paano uminom

Bandera (Visayas) - - NEWS -

SINUSUBAYBAYAN talaga ni Anthony Pangilinan ang ilang showbiz moves ng anak niyang si Donny Pangilinan.

Sumabak na rin kasi sa pag-arte ang binata. Isa si Donny sa mga bida sa Regal barkada movie na "Walwal" kasama sina Elmo Magalona, Jerome Ponce at Kiko Estrada with Kisses Delavin, Devon Seron and many others.

Sa kanyang tweet, humanga si Anthony nang makatanggap siya ng litrato ng anak galing sa personal assistant ng young actor na nag-aaral in between tapings o gigs para tapusin ang isang school assignment.

Eh, sa isang interview kay Donny ng Inquirer, ibinuking ng binata na ang father niyang si Anthony ang nagturo sa kanyang uminom (ng alak), huh!

Tweet ni Anthony, “Exactly! I taught him 'how to drink,' not 'to drink,' there’s a difference! Next, I’ll teach him

'how to' avoid these interview questions! Hahaha.” Unlike his wife Maricel

Laxa, mas pinili ni Anthony na maging host at inspirational speaker kesa umarte sa harap ng kamera. Eh, ngayong full housewife na ang award-winning actress kay Donny naman nakatutok ngayon si Anthony, huh!

ANTHONY PANGILINAN, DONNY PANGILINAN AT MARICEL LAXA

KISSES DELAVIN

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.