Ellen kasama ni John Lloyd sa Korte, pero...

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

Hala, kapatid na Ervin, gaano katotoo ang tsika na noong ni-represent ni John Lloyd Cruz ang partner niyang si Ellen Adarna sa preliminary investigation hearing ng mga kasong kinakaharap nito ay nasa tabi-tabi lang ang sexy star.

Hindi na nga raw ito umakyat sa sala ng prosecutor na duminig sa kaso, pero may mga nakakita diumano sa kanya sa isang sasakyan habang naghihintay kay Lloydie sa labas ng korte. Mukhang handa naman daw

ang preggy sexy star na umapir sa court kung ipinag-utos ng fiscal.

Nag-request ng reset ang abogado ni Ellen at balitang inschedule ito ng fiscal sa June 25, isang araw matapos ang birthday ni Lloydie.

May mga nagsasabing kabuwanan na ngayon ni Ellen at anytime ay manganganak na ito kaya't super aligaga at asikaso ang aktor sa lahat ng kailangan ng kanyang ka-live in, kabilang na nga ang mga demanda nito.

Maswerte rin talaga si Ellen kay John Lloyd dahil suportado siya nito hanggang sa kanyang mga asunto. Talagang "you and me against the world" ang drama nila kaya naman marami ring nagdarasal na sana’y pang-forever na nga ang kanilang love story.

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.