Bong lalabas ng selda para magpalinis ng ipin

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

PINAYAGAN ng Sandiganbayan First Division si dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr., na makalabas ng kulungan para sa kanyang dental check-up.

Ayon sa minutes ng pagdinig kahapon, sinabi ng korte na maaaring lumabas ng kulungan si Revilla sa Hunyo 18 para sa dental checkup, oral prophylaxis at implant cleaning.

“Accused Revilla is authorized to undergo dental check-up, oral prophylaxis and implant cleaning on June 19, 2018 for two hours from 2:00 pm at the Gan Advanced Osseointegration Center, The Residence, Greenbelt Center, Arnaiz Avenue, Makati City,” saad ng korte. Kailangan siyang ibalik sa kulungan alas-4 ng hapon. Sa kanyang mosyon, sinabi ni Revilla na ang checkup ay bahagi ng kanyang dental routine kay Dr. Steve Mark Gan. Inatasan ng korte ang pulisya na tiyakin ang seguridad ni Revilla. Wala namang gagastusin ang gobyerno sa paglabas ng dating senador. Nakakulong si Revilla sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City kaugnay ng kinakaharap na plunder case dahil sa pagtanggap umano ng P224.5 milyong kickback mula sa mga non government organization ni Janet Lim Napoles kung saan napunta ang kanyang pork barrel fund.—Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.