Heart Enemies

Bandera (Visayas) - - BALITA - Ni Gilda Olvidado

Umikot din ang utak ng totoong Laila. “Maaring magagalit si Paolo dahil nag-fail si Charlene sa kanyang assignment.” “Madidiskaril sila. Magaaway.” Dugtong ni Trainor. “At posible pa rin pala akong manganib. Kapag matindi na ang hinala ng kampo ng vice-president na ang nabigong assassin ay si Charlene. At sa kanilang mga mata ay ako ‘yon.”

“Hindi ka na pala dapat lumabas muna, Laila.”

“Pero baka pipilitin nila akong lumabas para mahanting ng kampo ng VP.”

“Hindi ba ayaw pa naman ng totoong Charlene na mamatay ka?”

“Noong hindi pa siya nabigo sa kanyang misyon, oo. Pero ngayon, baka maiisip ng totoong Charlene na mas panatag kapag si “Charlene” ay mahuhuli o mapapatay.”

“Pulisya tiyak ang kikilos. Laila, puprotektahan ka namin. Dahil wala ka nang ibang maaasahan. Ayaw mo pang ipasabi kina Dave at Nico na ikaw si Laila kaya they won’t protect you dahil akala nila ay ikaw talaga si Charlene.”

“Masyado na kayong madadamay ng assistant mo, Trainor.”

“Laban ko rin ito dahil ayokong nakangisi lang sina Laila habang hinahanting ka ng mga galit sa kanya.” “S-salamat ho.” “So huwag ka nang umuwi kina Paolo. Either sumama ka sa amin o dito ka na muna kina Denver magtatago.”

“Walang alam sa deadly fight ang maglola, Trainor. Kaya naisip ko, sa inyo na lang ako sasama at magtatago muna. That is kung ... okay nga lang sa inyo na damay na kayo dito.”

“Makabuluhan naman ang pagkadamay ko dito, Laila. I’m still a soldier of what is good.”

“I’m so lucky that you are on our side, Trainor.”

“Okay now, habang tuliro pa sina Charlene at Paolo sa kabiguan ng kanilang assassination attempt let’s go now to my place. May konting army din naman ako, Laila. Pero konti lang talaga. Just around five persons ang mga tauhan ko.”

“I have total trust in you, Trainor. Handa na po akong sumama sa inyo ngayon din.” “Then let’s go, iha.” GALIT NA GALIT nga si Paolo sa totoong Charlene.

Hindi ito pumayag na hindi sila magkita. Nagkita sila sa isang tagong-tagong bar. “Shit, Charlene!” “Laila, Paolo!” “No! You are Charlene! Huwag mo akong artehan ganitong palpak na palpak ka!”

“Ganoon talaga, kung minsan, sa importante ka pa sumesemplang. I can do it again.”

“There is no again! Mahuhuli na tayo!” Yanig ang totoong Charlene sa ipinamukha sa kanya ni Paolo.” LEGAL NOTICE

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.