Kilalang male star harapang niloloko ang dyowang aktres

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

Hangga’t hindi pa umaamin pareho ang aktor at aktres na ito sa tunay nilang relasyon ay libre pa ring nakakapambabae ang lalaki.

Sitsit ng aming source, nanligaw pala ang aktor sa isang tisay na aktres pero hindi siya nakapasa dahil kilala pala ng girl kung sino talaga ang kanyang girlfriend.

Aware sa showbiz na pinatulan ni aktor ang aktres na may gusto sa kanya na talagang lapit nang lapit sa kanya, “Palay na ang lumalapit sa manok, e, hindi pa ba niya tutukain?” say ng aming source. Pero butata naman siya sa tisay na aktres. Kaya nag-iisip siya ngayon ng paraan kung paano niya mapapaoo at kung paano siya mas mapapalapit pa sa dalaga. Ang aktres naman na tunay na karelasyon ng aktor ay mukhang lumalapad ngayon. Marami ang nakakapansin na malakas itong kumain lalo na kapag nasa taping. “Ang lapad na niya, ang laki ng balakang. Hindi na yata nakakapag-ex- ercise,” sabi naman ng isang taga-production na nakatsika namin. Baka naman idinadaan na lang ni aktres sa pagkain kapag nahuhuli niyang nambababae ang boyfriend niyang aktor? Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata tungkol sa magkarelasyong ito.

FORD VALENCIA AT RIA ATAYDE

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.