P250M smuggled na bigas nasabat

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC) ang 100,000 sako ng bigas mula sa Thailand na nagkakahalga ng P250 milyon sa Manila International Container Port.

Ani Customs Commissioner Isidro Lapena, iyon ang pinakamalaking halaga ng smuggled na bigas na naharang ng bureau mula nang siya ay manungkulan.

Nakapangalan ang mga shipment sa isang Sta. Rosa Farm Products Corp., na walang kaukulang permit mula sa National Food Authority (NFA), ayon kay Lapena.

Dagdag niya, hindi rin nagbayad ng mga kaukulang buwis ang nagangkat.

Nakatakda namang ipa-auction ang bigas sa loob ng lima hanggang 10 araw, sa tulong ng NFA.

Samantala, sinira ng BOC ang P22 milyong halaga ng smuggled pekeng sigarilyo, office supplies, damit at sapatos, ani Lapena. — Inquirer.net

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.