JOLO NAKA-GRADUATE NA SA COLLEGE; MAGPO-PROPOSE NA KAYA KAY JODI?

Bandera (Visayas) - - BALITA -

Siguradong proud na proud si former Sen. Bong Revilla sa bagong achievement ng kanyang anak na si Jolo Revilla.

Naka-graduate na finally ang actor-politician sa kursong Bachelor of Arts major in Legal Studies sa Lyceum of the Philippines University. Inialay niya ang kanyang college diploma sa kanyang mga magulang na sina Sen. Bong at Lani Mercado-Revilla.

“To my mom, accept my love and gratitude. To my dad, this is my advanced Father's Day gift to you. To my friends and loved ones, along with people who helped me up the steps of the ladder to reach this moment, I humbly share this milestone which will always remind me that at the face of challenges, you believed that I can make it. #lpubatch2018 #lpumanilabatch2018!” ang caption na inilagay ni Jolo sa kanyang graduation photo sa Instagram.

Narito naman ang mensahe ng 30-year-old politician sa kanyang mga batchmate, “Together with my fellow graduates, I'm taking a stand to serve our country by helping make education accessible to all. Lumang tugtugin man pero totoo, education is the only key to alleviate poverty. #lpumanilabatch2018#lpubatch2018!”

Tanong naman ng mga netizens at ng supporters ni Vice-Governor Jolo, ngayong naka-graduate na siya susunod na kaya ang pagpo-propose niya sa kanyang girlfriend na si Jodi Sta. Maria? Kasalan na nga ba ang next project ng anak nina Bong at Lani?

JOLO REVILLA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.