Binatilyong anak ni Ina ‘instant heartthrob’

Bandera (Visayas) - - BALITA - BY ERVIN SANTIAGO

Instant heartthrob sa social media ang binatilyong anak ni Ina Raymundo na si Jakob.

Siguradong nabigla rin ang sexy actress at hot mama sa napakainit na paghanga ng mga netizens sa kanyang anak nang i-post niya sa Instagram ang kanilang litrato together. Kuha ang photo sa moving up ceremonmy ni Jakob at may caption na: "Congratulations son...you make us proud. #movingonceremony!"

Libu-libong likes at comments agad ang nakuha ng IG photo ng mag-ina mula sa mga netizens na karamihan ay mga girls na guwapong-gwapo kay Jakob, ang nag-iisang lalaki na anak ni Ina sa kanyang Canadian husband na si Brian Poturnak. Meron pa silang apat na anak na puro babae.

Ayon sa ilang followers ni Ina, artistahin daw ang kanyang anak at siguradong sisikat din kapag pinasok na nito ang showbiz. Narito ang ilang comments ng mga instant fans ni Jakob.

"Pwede ko po bang maging boyfriend yang anak niyo, promise po magiging mabait po akong daughter in-law," sey ni @anadace.

"You're son is really handsome pangmodel!" chika ni @kjp_panganiban.

Sey naman ni @dear- futurenishan, "True mga besh!!! Gwapito. Hanggang byaun malisuh parin sila pagpicturan sin inah nila haha. Lalo na in ate!"

Ito naman ang komento ni @rosemariebernudez273, "Congrats po s anak nyo po your so lucky that you have a son like him kamukha nyo po sya gwapo nagmana po s inyo god bless po s family nyo!"

INA RAYMUNDO AT JAKOB POTURNAK

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.