Sunshine Dizon maraming pasabog sa Kambal Karibal

Bandera (Visayas) - - BALITA -

Mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa pagpasok ni Sunshine Dizon sa top-rating GMA series na Kambal, Karibal.

Gagampanan ni Sunshine ang karakter ni Maricar, ang tunay na ina ni Cheska (Kyline Alcantara). Siya ang magiging bagong "kaaway" at "kaagaw" ng karakter ni Carmina Villaroel bilang si Geraldine kay Cheska – "ina laban sa ina," sabi nga ng teaser ng Kambal Karibal.

Magkahalong gulat at saya ang nararamdaman ngayon ng viewers dahil alam nilang may matinding twist and turn na namang magaganap sa tinututukan nilang primetime series sa GMA Telebabad. Narito ang ilang komento ng netizens sa pag-eksena ni Sunshine sa serye.

"Yass! Ito na, for sure, makikita ka na po namin ng matagal sa TV," ayon kay @mrsfuentabella.

"Woooohooooo??Yesssssss!" sey naman ni @itsmerhychelle.

Komento naman ni @superkevin19, "Wahhhh ang gagaling ng mga artista! Mga bigatin!"

"Mas lalong tataas ang ratings ng KK! Excited," comment ni @irenesaludes.

"OMG Emma alam mo ba na sya ang napangasawa ni Lyon? Jejeje sana may scene din kayo ni Mr. Alfred Vargas. I really miss the Warren-Erika loveteam!" ang sey naman ni @nedrudajayson.

Pagkatapos ng Ika-6 Na Utos, sigurado raw pasabog na naman ang hatid ni Sunshine sa pagpasok

SUNSHINE DIZON

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.