'Maraming salamat sa FAMAS at sa Vera-Perez family sa parangal!'

Bandera (Visayas) - - BALITA - BY AMBET NABUS

PERSONAL akong nagpapasalamat sa pamilya nina Manay Marichu Vera-Perez Maceda sa pagbibigay nila sa akin ng karangalan bilang recipient ng 2018 Dr. Jose Perez Memorial Award for Journalism.

Sa naging matagumpay na seremonya ng ika-66 gabi ng FAMAS, naranasan kong matawag na awardee. Noong 1984 sinimulang ipagkaloob ng Vera-Perez family ang Dr. Jose Perez Memorial Award at nakakataba ng puso na ako ang napili nilang tumanggap nito this year.

Kinikilala nito ang mga managers, public relations officers, entertainment columnists at starbuilders na nagpakita ng "great mastery and professionalism" sa kanilang trabaho.

Ilan sa mga mahal at nirerespeto nating colleagues ang nakatanggap na nito gaya nina Kuya Ricky Lo, Manay Ethel Ramos, Ernie Pecho, Mario Dumaoal, Jojo Gabinete at Dolly Ann Carvajal.

Lubos-lubos ang kasiyahan at pasasalamat ko sa mga kapwa ko taga-industriya na nasa larangan ng journalism dahil sa suporta nila sa inyong lingkod. Ang mga naging mentors ko since 1989 na sina Ate Luds (Inday Badiday) at direk Maryo J. delos Reyes, hanggang kina Nanay Cristy Fermin at Nay Lolit Solis, ay labis ko ring pinasasalamatan.

Pero kung wala ang mga editors, publishers, publications, station managers at TV executives, ang mga bonggang movie producers, mga artista at workers sa industriyang ito, at higit sa lahat ang mga readers, listeners, mga kapwa ko ring movie fans (lalo na ang mga kapwa ko Vilmanians), at ang mga nagbibigay feedback at kritisismo sa bawat gawain ko dito ay wala sigurong Ambet Nabus.

Baon at bitbit ko ang magagandang values na namana ko mula sa aking mga magulang at mga kapamilya, ang mga aral na nakuha ko sa aking relihiyon at mga eskuwelahan, lalo na sa UP College of Mass Communication, ang mga adbokasiya ko sa edukasyon at "green earth" sa tulong ng Smart-PLDT Gabay Guro, CMAS-Phils., GREEN movement at UP-CMC Alumni Association.

At maging ng ugnayan ko sa anak kong si Neeyong, hindi rin marahil posible ang matawag na responsable at may kredibilidad na manunulat at mamamahayag sa industriyang ito.

Maraming Salamat po LORD!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.