Angel napilitang kumanta sa harap ng co-stars

Bandera (Visayas) - - BALITA -

Nagkaroon ng team building ang buong cast and crew ng upcoming Kapamilya serye na The General’s Daughter sa Tagaytay City nitong Sabado, at balita namin ay sobrang enjoy ang lahat sa games na ginawa nila. Walang killjoy sa grupo dahil game na game ang lahat at nagkasundo agad kaya super happy din daw ang head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal at ang kanyang staff.

Maraming bumilib sa bida ng The General’s Daughter na si Angel Locsin dahil sobrang down to earth ang aktres at kahit saan mo dalhin ay talagang kakaririn niya ito – sports, acting, pati na rin ang pagkanta.

Ang alam namin ay ayaw ni Angel ang kumakanta’t sumasayaw pero siguro naisip niyang kailangan ito sa trabaho niya lalo na kapag may promo at nahilin- gan siyang kumanta.

Ipinost ni Albert Martinez ang kuha niya kay Angel sa kanyang Instagram account na may caption na, “The Generals Daughter. togetheragain #angellocsin#thegeneralsdaughter #dreamscape.”

Kinanta ni Angel ang awiting "Torete" (ng Moonstar 88) na binigyan naman ng kakaibang areglo ni Moira dela Torre na ginamit namang soundtrack sa pelikulang "Love You To The Stars And Back" nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Si Angel ang gaganap na General’s daughter at si Albert naman ang tatay niyang Heneral.

Kung tama ang sitsit ng aming source ay sa Setyembre na ito eere kapalit ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

ANGEL LOCSIN

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.