Sinalubong ni 'Kamatayan'

Bandera (Visayas) - - News - —Liza Soriano

PATAY ang lalaki nang barilin ng nakasalubong kahapon ng madaling araw sa Taguig City.

Dead on the spot si Aries Christopher Dela Rama, 38, ng Brgy. Lower Bicutan, dahil sa mga tinamong sugat sa katawan. Blanko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek at sa motibo sa pagpatay. Ayon kay Senior Supt. Alexander Santos, hepe ng Taguig city police, naganap ang insidente ala-1:30 ng madaling araw kahapon sa People's Market, Brgy. Lower Bicutan. Naglalakad ang biktima sa lugar nang harangin ito ng suspek at paulit-ulit na binaril. Tumakas ang suspek nang masigurong wala nang buhay ang biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.