Go di pa sure

Bandera (Visayas) - - News - —Bella Cariaso

ISINIWALAT kahapon ni Special Assistant to the President Christopher "Bong" Go na bagaman binigyan na siya ng basbas ni Pangulong Duterte ay wala pa rin siyang pinal na desisyon kung maghahain ng certificate of candidacy para sa pagka-senador.

"Thinking pa din up to the last minute, though PRRD (President Duterte) gave the go signal," ani Go sa isang text message sa BANDERA.

Nauna nang sinabi ni Duterte na isa si Go sa anim na miyembro ng Gabinete na magbibitiw dahil tatakbo sa 2019 midterm elections.

Nagsimula noong Huwebes ang paghahain ng COCs at magtatapos sa Miyerkules.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.