Lola tustado sa sunog

Bandera (Visayas) - - News - — Inquirer.net

PATAY ang 65-anyos na retiradong empleyado ng gobyerno matapos sumiklab ang sunog sa kanyang bahay sa Brgy. Dabburab alas-9 ng umaga, kahapon, ayon sa pulisya.

Nadiskubre ang sunog na katawan ni Danilo Sarandi sa loob ng kanyang kuwarto matapos na maapula ng mga bumbero ang sunog.

Inalerto ng kapitbahay ni Sarandi, na si Rodel Acacio, ang lokal na fire station na nasusunog ang bahay.

Sinabi ng mga imbestagador na nag-iisa lamang si Sarandi sa bahay. Inaalam pa ng mga imbestigador ang pinagmulan ng sunog.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.