FEMALE PERSONALITY NAGBENT TA NG KATAWAN PARA KUMITA, ASAWANG KOMEDYANTE TAMAD

Bandera (Visayas) - - News - BY CRISTY FERMIN

SINISIGURADO ng aming source na hindinghindi na gagawin ng isang kilalang female personality ang pagtawag sa suki niyang Boogie Wonderland (read: pimp, bugaw) para ihanap siya ng walk.

Kapag sinabing walk, lakad ang ibig sabihin nu’n sa mundo ng bugawan, kailangang ihanap ng matchmaker ng trabaho ang kanyang alaga para pagkakitaan.

Kuwento ng aming source, “Ganu’n ‘yun! Kapag kailangan ng datung ng girl, lalo na tuwing katapusan, tumatawag siya kay Boogie Wonderland. Kailangan siyang ihanap ng walk, kasi nga, bayaran na ng mga bills niya.

“Hulog ng sasakyan, pambayad sa kuryente at tubig, pambayad pa sa inuupahan niyang tirahan, ang dami-dami niyang bayarin! Nakakaloka!” simulang chika ng aming impormante.

Pero ang mas nakakaloka ay may asawa na ang female personality, kilala rin ang kanyang mister, pero may katamaran. Palibhasa’y spoiled ito sa kanilang pamilya nu’ng bata pa ito, kaya ayun, hanggang nu’ng tumanda

na ito ay tamad pa rin.

“Nabubuwisit na nga ang girl sa tamad niyang husband, sobrang palaasa lang sa kanya, kaya ayun naman si misis, kinakalakal ang katawan niya para magkapera lang!

“Matagal na panahong ginawa ‘yun ng babae, nagkukunwari siyang may taping sa isang malayong probinsiya para hindi na mang-usisa pa ang mister niya, pero ang totoo, meron siyang walk.

“Pagkatapos ng walk niya, e, dumadaan siya sa condo unit ng isang bestfriend niya, chill-chill muna sila du’n, makikipaligo muna ang girl at makikitulog, bago siya umuwi with matching kadatungan na!

“Tuwang-tuwa naman siyempre ang mister niya dahil pag-uwi ng girl, e, nakapag-grocery na, meron na silang kakainin, e, may pambayad pa sila sa mga bills nila!

“Pero hindi na niya gagawin ang ganu’n ngayon, sinuwerte ang girl na magkaroon ng magandang trabaho nang hindi niya inaasahan. Talagang nu’ng maghulog ng biyaya ang langit, e, siya ang sinuwerteng makasalo!

“Napakaganda na ng posisyon niya ngayon sa isang mayamang lugar sa siyudad nila. promise, never na siyang tatawag pa uli sa kanyang Boogie Wonderland dahil very stable na ang trabaho niya.

“At ang tamad niyang mister? Tamad pa rin, nagtatrabaho siya ngayon sa opisina ng misis niya, talagang ganu’n lang ang kapasidad ng komedyanteng mister ng girl!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na alam na! Kilala n’yo ang girl sa kuwento pero mas kilala n’yo ang mister niyang tamadista!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.