KRIS KINASUHAN NA ANG KALABAN: SINIMULAN N’YO, TATAPUSIN KO!!!

Sylvia nakuha ang bonggang pelikula na inalok kay Maricel

Bandera (Visayas) - - News - BY REGGEE BONOAN

SYLVIA SANCHEZ AT MARICEL SORIANO KAUSAP namin si Sylvia Sanchez kamakalawa ng hapon habang nasa Bangkok, Thailand siya para sa isang business meeting.

Pero bago siya umalis ng bansa ay dumalo muna siya ng presscon kasama si Nonie Buencamino sa Cebu City para sa pelikulang "When Sadness Lingers" nitong Huwebes nang umaga at bumalik din kinagabihan ng Manila para sa kanyang early flight to Bangkok.

Ayon sa aktres ay sa Cebu ang entire shooting nila dahil tagaroon ang direktor at producer na first time gagawa ng movie sa Pilipinas. Dalawa raw ang direktor nila sa movie, “Isang British at isang Pinoy. Hindi ko pa nakuha ang mga pangalan.”

“Akala ko nga hindi na ito matutuloy kasi ang tagal ng negosasyon kasi may iba silang aktres na gusto, e, hindi kaya ng schedule kaya ako ang inirekomenda,” kuwento sa amin ni Ibyang.

Ang unang napili ng producer ay walang iba kundi ang premyadong aktres na si Maricel Soriano na hindi kakayaning mag-stay ng 10 araw sa Cebu dahil abala siya sa taping ng seryeng The General's Daughter mula sa Dreamscape Entertainment.

At dahil hindi pumuwede ang Diamond Star kaya si Sylvia ang inirekomenda mismo ng manager ni Marya na si Veanna Forres at binanggit nga nito sa producer na kayang-kayang gawin ni Ibyang ang lead character sa movie.

Grabe ang saya ni Sylvia habang kausap namin, na ilang beses kaming tinawagan dahil hindi malinaw ang linya. Talagang excited niyang ikinuwento ang bago niyang proyekto.

“Sobrang saya ko talaga Regs, imagine si Maricel ‘yun! Hay, speechless ako. Ha-hahaha!” masayang tinig ni Ibyang sa kabilang linya.

Gagampanan ng aktres ang karakter na may sakit na Schizophrenia at si Nonie nga ang magiging asawa niya na kakaiba rin ang karakter.

Ibang-iba raw ang role niya sa seryeng The Greatest Love na may Alzheimer's kaya isang matinding challenge na naman ito para kay Ibyang.

Simula sa Lunes, Okt. 16 hanggang Okt. 26 ang shooting ng aktres para sa nasabing proyekto, “Locked in din kami sa Cebu para sa buong duration ng shooting.”

❏❏❏

"Sinimulan n’yo, kaya tatapusin ko!” ‘Yan ang ipinagdiinan ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post matapos magsampa ng pormal na reklamo laban sa taong nanloko sa kanya.

Hindi pa rin pinangalanan ng Social Media Queen ang kanyang business partner na kinasuhan niya ng qualified theft sa Quezon City Prosecutor's Office.

Bukod dito, nagsampa rin ng kaparehong demanda ang kanyang abogado sa anim na lungsod – San Juan, Mandaluyong, Pasig, Makati, Taguig at Manila.

Bahagi ng IG post ni Kris, "I continue to have faith that the Philippines’ justice system will uphold the law with impartiality & fairness. My legal teams had met with his representatives in an attempt to settle amicably, but in straight forward language-cumare bears sila.

"My family had advocated for peace BUT the other party failed to even meet us halfway and instead chose to spread malicious lies & falsehoods... i wanted to quietly put this painful chapter behind me... kilala nyo na po ako- hindi ako ang nagsisimula ng away, pero hindi po ako pinalaki para urungan ang pakikipaglaban para sa katotohanan. Sinimulan nyo, kaya tatapusin ko.”

Dahil sa ginawang panloloko ng taong pinagkatiwalaan niya nang husto (kung saan sangkot ang milyun-milyong piso mula sa KCA Productions) ay lumala ang sakit ng mama nina Joshua at Bimby.

Nakaranas ng matinding depresyon si Kris nang madiskubre ang ginawang panloloko sa kanya at nakaapekto ito sa kanyang health condition.

Si Kris Aquino habang nagsasampa ng demanda

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.