Transgender beauties patalbugan sa 2018 Queen of QC

Bandera (Visayas) - - News -

HANDANG-HANDA na ang mga kababayan nating transgender beauties na maglalaban-laban sa pre-pageant ng Queen of Quezon City na magaganap na ngayong Lunes, Oct.15.

Ang beauty contest na ito ay bahagi pa rin ng awareness campaign ng Quezon City government para sa Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) community.

Ang 24 kanditatang mga residente ng na magpapasiklaban sa kagandahan at katalinuhan ay sina: Erwina Tirambulo ng Talayan Village, Redj Daria Espinosa ng Brgy. Tagumpay, Ehm-jay Buena Tuazon ng Brgy. Loyola Heights, Terresa Caranzo at Samantha Garcia ng Brgy. Bagong Silangan, Louise Manalo ng Brgy. San Roque, Cubao, Avah Torres Pineda ng Brgy. Pag-ibig sa Nayon.

Angel Artita ng Brgy Bagbag, Novaliches, Shine Rodriguez at Jhade Ellorin Soberano ng Brgy. Bagong Pag-asa, Naomi Fantonos ng Brgy. UP Village, Denine Palacio ng Brgy. Mariblo, Keith Legara ng Brgy. Talipapa, Novaliches, Casey Banes Paculan ng Brgy. Piñahan, Scarlet Alcaraz atY anyan Idalia ng Brgy. Commonwealth, Andrea Justine Aliman ng Brgy. Sacred Heart, Nica Kate Sapinoso ng Brgy. San Roque, Cubao.

Nariyan din sina Jhonna Castro ng Brgy. Holy Spirit, Maria General ng Brgy. Nagkaisang Nayon, Summer Lariosa ng Brgy. Dioquino Zobel, Rami Hannash ng Brgy. Sta. Lucia, Novaliches, Ghen Antolin ng Brgy. Sta. Monica, Novaliches, at Pamcee Vera Perez ng Brgy. Gulod, Novaliches.

Ang mga pumasok na kandidatang lalaban sa Queen of Quezon City ay pinili ng selection committee na binubuo nina Teresa Mariano, Quezon City Chief of Staff for Administration, Police Senior Inspector Rene Balmaceda, ang unang openly transgender na pulis ng PNP, at ang writer-TV director na si Andrew de Real. Pagbabatayan naman sa pagpili ng mananalo ay ang beauty, intelligence at personality na nagtataglay ng mga katangian ng isang proud member ng LGBT community na handang manindigan sa mga ipinaglalaban ng bawat miyembro nito.

Makakatanggap ng P300,000 ang kokoranahang bagong Queen of Quezon City, at P100,000 naman para sa mapipiling Lady Equality, Lady Respect at Lady Pride. Gaganapin ang grand coronation night sa Nov. 10 sa University Theater, Diliman, Quezon City.

Ang numero unong layunin ng pageant ay mas mapalakas pa ng LGBT Community ang kanilang grupo para tuluyan nang matigil ang diskriminasyon na hinaharap ng komunindad hanggang ngayon.

Nais din ng Quezon City government na manguna sa pagpapalaganap ng adbokasiya para sa pantay na pagtrato sa lahat ng kasarian – Ervin Santiago, Kimberly Custodio

ANG OFFICIAL CANDIDATES NG 2018 QUEEN OF QUEZON CITY

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.