Sa 2019 makapag-aabroad (2)

Bandera (Visayas) - - News - Numerology: Huling payo at paalala:

Sulat mula kay Maribel ng Manggahan, Santa Maria, Bulacan Problema:

1. Nag-aaplay po ako sa abroad sa ngayon bilang care giver. Dati na akong nag-aplay pero hindi ako natuloy, noong una nabagsak ako sa medical nito naman pong pangalawa na-illegal recruiter ako. Pero kailangan ko kasi talagang mag-abroad para makatulong sa aking pamilya na naghihirap sa ngayon sa aming probinsya.

2. Ang maganda naman po nito sa ngayon ay may tumutulong naman po sa akin na pinsan ko na nasa abroad din. Itatanong ko lang sana kung matutuloy ako at kung matutuloy ako, kailan naman kaya ito magaganap? June 28, 1990 ang birthday ko.

Umaasa, Maribel ng Bulacan Solusyon/Analysis: Astrology:

Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang Scorpio ang pinsan mo na tumutulong sa iyo upang ikaw ay makapag-abroad, tiyak ang magaganap, sa taong 2019, sa buwan ng Enero may isang mabgunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong

karanasan.

Ang birth date mong 28 ay nagsasabing sa sandaling nakapagabroad ka, tuloy-tuloy na ang nasabing pangingibang bansa at siguradong maraming beses ka ng magpapabalik-balik sa abroad hanggang sa tuluyan na ring umunlad ang iyong kabuhayan at ang kabuhayan ng inyong pamilya.

Luscher Color Test:

Upang matupad ang iyong pangarap na makapag-abroad at magkaroon ng marami pang suwerte sa buhay, lagi kang gumamit ng kulay na yellow at green. Ang nasabing mga kulay ang magdudulot sa iyo ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran.

Maribel ayon sa iyong kapalaran, kung nabigo ka man sa mga nakaraan mong pangingibang bansa, hindi na ngayon, dahil sa susunod na taong 2019, susuwertehin ka na, at ito ay magaganap sa buwan ng Enero bago sumapit ang edad mong 28 - hindi ka lang makapag-aabroad sa halip nakatakda ding magpapabalik-balik ka na sa ibayong dagat hanggang sa tuloy-tuloy ng umunlad at sumagana ang kabuhayan ng inyong pamilya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.