Parak binoga

Bandera (Visayas) - - News -

SUGATAN ang pulisQuezon City na tinambangan sa siyudad, kamakalawa.

Kritikal ang kondisyon ni Supt. Edgar Cariaso, nakatalaga sa Internal Affairs Service sa Camp Crame, dahil sa tinamong sugat sa katawan. Trabaho ng biktima ang mag-imbestiga ng mga kapwa pulis na inirereklamo. Isang lalaki na nakasuot ng baseball cap ang lumapit kay Cariaso sa Kaliraya st., Brgy. Tatalon saka siya pinagbabaril. Agad namang naisugod sa ospital ang pulis at patuloy na inoobserbahan ang kondisyon nito. Noong Miyerkules ng gabi, isang pulis din ang tinambangan habang nasa loob ng kanhang sasakyan sa V. Luna st., Brgy. Malaya, QC.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.