Alien In Love

Bandera (Visayas) - - News - Ni Gilda Olvidado

WORRIED na napatingin si Miaraz kay Marianne. “Sana naman maniwala ka sa akin, Marianne. Sana maramdaman mo na totoo ang mga sinabi ko. Pero ... hindi rin naman kita masisi kung duda ka pa rin sa akin. Kasi, masama naman talaga ang ugali ko sa iyo lalo na doon sa mall. Dala iyon ng pagseselos ko sa pagtingin sa iyo ni Brummo.”

Napangiti si Marianne. “Ano ka ba, Miaraz ... naniniwala ako sa iyo. Kasi, ang sincerity nararamdaman talaga ‘yan ng mga tao, e. Hindi tayo perpekto. Nagkakaroon tayo ng mga maling damdamin pero normal lang ‘yon. Naiaayos din naman natin ang mga iniisip natin o nararamdaman given the time.”

“Salamat, Marianne. Alam mo, doon sa aming planeta, may kaibigan ako na kasimbait mo. Kapag may nasasabi akong masama o nagagawang mali, hindi niya ako pinapagalitan o kinu-condem. Hindi rin niya ako basta dyinajudge. Pinapayuhan lang niya ako at katulad na katulad mo siyang magsalita. Very humble.”

“Salamat. Palagay na rin ang loob ko sa iyo, Miaraz.”

“Ay, ito! Sa iyo ito bagay! Isukat mo na!”

“Maganda nga! Pero teka ... gusto ko ring makapili ng para sa iyo!” At inilabas naman ni Marianne ang isang bestidang kulay pink na napakalambot ng tela. “Para sa akin?” “Oo, Miaraz! Sa iyo lang ‘yan bagay, promise!”

Isinukat naman ni Miaraz.

At tuwang-tuwa siya. “Wow, tama ka! Bagay na bagay nga sa akin! Palagay mo, magugustuhan ito ni Brummo?”

Wala lang sa loob na naitanong ng dalagang alien.

Pero naiintindihan ni Marianne na walang halong malisya iyon. Hindi siya ginagalit o pinapaselos.

Talaga lang hindi maitago ng dalagang alien ang matinding pag-ibig kay Brummo kahit pa kaibigan na ang turing nito kay Marianne.

Maingat si Marianne sa kanyang ginawang pagsagot. “Oo naman. Tiyak na mai-impress lalo si Brummo sa kagandahan mo, Miaraz.”\

“O sige, akin na ito. Pero marami pa tayong pamimilian, ha? At tulad ng sabi ko, hating tunay na magkaibigan ang gagawin natin. Walang lamangan.”

Naaliw si Marianne sa dalagang alien. “Oo! Masarap talaga ang hindi naglalamangan, ang fair lang palagi.”

“Saka tiyak ko naman, Marianne, lahat ay babagay sa atin pareho. Kasi pareho tayong sexy at physically fit! At kahit ano ay babagay din sa mga kulay natin!” “Agree ako diyan!” At tuwang-tuwa sa pagsusukatan ang dalawa. Parang nakatagpo ng isang kapatid na babae si Miaraz kay Marianne. Ganoon din naman si Marianne.

Pero si Aiza ay hindi maalis sa isip na may kahawig siya na kasama ni Marianne.

Itutuloy... HABANG maraming paraan para pakinabangan ang patatas, mula sa pagiging sahog sa iba’t ibang masasarap na putahe hanggang sa pagiging all time favorite snack ng karamihan gaya ng fresh fries at potato crisps, alam ba niyo na beneficial din ang pinagbalatan nito?

Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi dapat itapon ang pinagbalatan ng patatas at mga maaaring gawin dito. Fertilizer

Sobrang healthy ng patatas hanggang sa balat, kung ayaw mo naman itong kainin ay maiging gawing fertilizer. Isama siya sa compost pit nang maging nutrients ng mga halaman. Hair Treatment

Tumutulong ang pinagbalatan ng patatas para mas humaba ang buhok at gawin itong shinier at luster.

Dikdikin hanggang sa lumabas ang juice ng balat ng patatas. Masahihin ito sa anit sa loob ng 15 minuto at ibabad ng 15 minuto pa bago banlawan. Tiyak na gaganda ang tubo ng iyong buhok.

Skin Whitening

Gaya ng calamansi, lemon, at iba pang citrus fruit, ang balat ng gulay na ito ay mayroong properties na nakakapagpaputi sa balat at nakatutulong para matanggal ang uneven skin tone.

Gamit ang balat ng patatas, ipahid ang loob na parte nito sa kutis at siguraduhing mamasamasa pa ito para sa mas kaaya-ayang resulta.

Maaari ring maghalo ng lemon juice na makakapagpabilis ng proseso kapag pinaghalo ang dalawa na may parehong skin bleaching properties.

Hayaang manatili ang juice sa balat hanggang matuyo ito bago banlawan.

Gawin ito araw-araw para sa mas kaaya-ayang resulta.

Jefferson Betaizar,

trainee

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.