Tutol ang mga magulang sa BF

Bandera (Visayas) - - News -

Sulat mula kay Camille ng Maligaya, General Nakar, Quezon Province Dear Sir Greenfield,

May boyfriend ako sa ngayon, ang kaso pinipilit kaming paghiwalayin ng kanyang mga magulang dahil hindi sila boto sa akin. Mayaman kasi ang boyfriend ko o may kaya sila sa buhay, pero kami ay mahirap lang. Pangako naman sa akin ng boyfriend ko ay hindi nya daw ako iiwan kahit ano ang mangyari. Pero siyempre madalas kinakabahan ako na baka isang araw ay sumunod na lang sa mga magulang niya ang boyfriend ko at bigla akong iwanan. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung magiging pang habang buhay na ba ang relasyon namin ng boyfriend ko at sa bandang huli kahit kaya maraming hadlang sa aming relasyon kami pa rin kaya ang magkakatuluyan? November 7, 1994 ang birthday ko at June 26, 1992 naman ang birthday ng boyfriend ko.

Umaasa, Camille Quezon

Province Solusyon/Analysis: Palmistry:

Iisa lang naman ang malinaw at makapal na

Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na isang beses ka lang iibig nang sagad at totohanan habang buhay, kung saan, maaaring ang nasabing pag-ibig ay ang kasalukuyan mo ng boyfriend at siya na rin ang iyong makakatuluyan.

Cartomancy:

Hindi mapipigil at hindi na mahahadlangan pa ang inyong pagmamahalan ng kasalukuyan mong boyfriend, kung saan, ito ang nais sabihin ng King of Hearts, Eight of Hearts at Queen of Hearts, mga barahang lumutan sa ibabaw ng mesa. Ito ay tanda rin sa bandang huli walang pagsala, ang dalisay na pagiibigan ninyo nang boyfriend mo

ang mananatili, ang masusunod at ang mananaig. Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.